Year: 2026
Type: article
Study design: Clinical Trial
Abstract: Nilayon ng pag-aaral na ito na masuri ang bisa ng Metacognitive Strategy sa pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral na nakatuon sa pagsusuri ng antas ng pag-unawa gaya ng Literal na Pagbasa, Inferensyal, Kritikal at Personal na Pag-unawa bago at pagkatapos gamitin ang estratehiya. Ginamit ang one-group pretest-posttest quasi-experimental na disenyo sa siyamnapu’t siyam (99) na mag-aaral sa Baitang 10 ng General Climaco National High School, Toledo City, Cebu sa taong panuruan 2026–2027. Ginamit ang paunang pagsusulit, panghuling pagsusulit, at talatanungan upang masukat ang saloobin hinggil sa paggamit ng Metacognitive Strategy. Batay sa pagsusuri, gamit ang frequency, percentage, mean, standard deviation, at paired samples t-test, lumabas na nasa antas na Nagsisimula sa lahat ng pamantayan ng pag-unawa sa pagbasa bago ipatupad ang Metacognitive Strategy. Matapos ang interbensiyon, nakita na umangat ang pagganap sa antas na Umuunlad sa literal, inferensyal, at kritikal at personal na pag-unawa. Ipinakita rin ng paired samples t-test na may makabuluhang pagkakaiba sa pauna at panghuling pagganap sa lahat ng pamantayan (p<.001), positibo naman ang saloobin sa paggamit ng Metacognitive Strategy. Natuklasan na may makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pauna at panghuling pagganap ng mga mag-aaral sa lahat ng pamantayan ng pag-unawa (p<.001). Nagpakita ang mga mag-aaral ng positibong saloobin sa paggamit ng Metacognitive Strategy na may kabuuang mean na 3.88 at SD na 0.70. Samakatuwid, napatunayang mabisa ang mga gawaing tinamo sa paglalapat ng Metacognitive Strategy para sa pag-unawa, pagpapaunlad ng kritikal na pag-iisip, at paglinang ng aktibong pakikilahok sa proseso ng pagkatuto.
Author: Haji Hakem Moro D. Villarin
Language: Tagalog
Subfield: Developmental and Educational Psychology
Field: Psychology
Domain: Social Sciences
SDG: Quality education
Open Access status: diamond
OpenAlex ID: W7225201865
