Work

Game-based learning (GBL) sa pagpapahusay ng komprehensyon sa pagbasa ng kwentong-bayan sa Filipino 7

Year: 2026
Type: article
Study design: Clinical Trial
Abstract: Nilayon ng pag-aaral na ito na masuri ang epekto ng Game-Based Learning (GBL) bilang estratehikong interbensyon sa pagpapahusay ng komprehensyon sa pagbasa ng kuwentong-bayan sa Filipino 7 sa Mactan National High School – Junior High taong panuruan 2026-2027. Ginamit sa pananaliksik ang quasi-experimental one-group pretest-posttest design na nilahukan ng 40 mag-aaral na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Nakabatay sa MATATAG kurikulum ang ginamit na test at sarbey kwestyuner upang sukatin ang pagganap at saloobin ng mga kalahok. Ipinakita ng mga resulta na ang paunang pagganap ng mga mag-aaral ay nasa antas lamang na Mababa, ngunit umangat ito sa antas na Mataas matapos ipatupad ang Geme-Based Learning (GBL). Sa pamamagitan ng paired-samples t-test, napatunayang may makabuluhang pagkakaiba ang pauna at panghuling pagsusulit (p < .001), na nagpatibay sa pagtanggi sa null hypothesis. Bukod dito, nagpakita rin ang mga mag-aaral ng lubos na positibong pananaw sa naturang estratehiya. Dahil napatunayang epektibo ang Game-Based Learning (GBL) sa pagpapataas ng antas ng komprehensyon, iminumungkahi ang paggamit nito sa pagtuturo. Inirerekomenda ang paggamit sa nabuong awtput na Pinagyamang Hulwarang Aralin bilang gabay ng mga guro sa pagtuturo ng kuwentong-bayan.
Language: Tagalog
Field: Psychology
Open Access status: diamond
OpenAlex ID: W7234871275
FWCI:
Cites: 6
Cited by:
Related to: 10