Work

Paggamit Ng Multilinggwal Bilang Estratehiya Sa Pagtuturo

Year: 2025
Type: article
Study design: Observational Study
Abstract: Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay alamin at suriin ang pagkaepektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang multilinggwal bilang etratehiya sa pagtuturo ng mga guro upang makatulong sa mga kapwa guro at mag-aaral ang kinalabasan ng pag-aaral na ito at matulungan ang kakayahang pagganap sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang deskriptibo at kwantitatibong pamamaraan ang ginamit ng mananaliksik upang malaman ang epektibong Paggamit ng Multilinggwal Bilang Estratehiya sa Pagtuturo. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa mga piling pampublikong paaralan ng Itogon I na nabibilang sa Distrito I sa taong panuruan 2024-2025. Ang napiling tagatugon sa pag-aaral ay ang apatnapu (40) na mga guro na nagtuturo sa elementarya sa Itogon 1 , Benguet , Pilipinas sapagkat sila ay kabilang sa multilinggwal na pamayanan (IIoko at Kankana-ey). Ang sumusunod ang kinalabasan ng pag-aaral: Ang Napakadalas ng Paggamit ng Multillingwal bilang estratehiya sa pagtuturo ng mga guro ay mabilis na nauunawaan ng mga mag-aaral ang paksang aralin na nagbunsod sa suliranin sa pagganap sa pagpapahayag ng mga mag-aaral gamit ang wikang Filipino; Ang paggamit ng multilinggwal bilang estratehiya sa pagtuturo ng mga guro ay epektibo sa pagbibigay ng panuto ng mga guro dahil mabilis ito nauunawaan ng mga mag-aaral gamit ang sariling dayalekto kaya ang resulta ay interaktibong nakikibahagi sa talakayan ang mga mag-aaral gamit ang sariling dayalekto; Seryoso ang mga suliranin sa paggamit ng multilinggawal sa pagtuturo sa mga mag-aaral dahil apektado ang kasanayan sa pagganap sa mga gawain sa asignaturang Filipino. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod ang konklusyon : Ang Napakadalas ng Paggamit ng Multillingwal bilang estratehiya sa pagtuturo ng mga guro ay mabilis na nauunawaan ng mga mag-aaral ang paksang aralin; Ang paggamit ng multilinggwal bilang estratehiya sa pagtuturo ng mga guro ay epektibo sa pagbibigay ng panuto ng mga guro; Seryoso ang mga suliranin sa paggamit ng multilinggawal sa pagtuturo sa mga mag-aaral.
Language: Tagalog
Open Access status: bronze
OpenAlex ID: W4406292832
FWCI: 1.58
Cites:
Cited by: 1
Related to: 10