Year: 2025
Type: article
Abstract: Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy at masuri ang kahandaan, mga epekto ng artipisyal na intelehensiya at hamon sa mga mag-aaral sa paggamit ng artipisyal na intelehensiya sa pagkatuto sa Filipino. Ito ay ginamitan ng deskriptibong pamamaraan. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Joaquin Smith National High School, Baguio City , Philippines sa panuruan taon ng 2023-2024 na may kabuuang bilang na isang daan at pitumpo (170) na mga mag-aaral sa sekondarya bilang tagatugon. Sa pag-aaral, ginamit ang talatanungan para sa kinakailangang datos at ito ay sinuri batay sa kinalabasan gamit ang frequency, weighted mean, at pagraranggo. Ang sumunod ay ang kinalabasan ng pag-aaral: Handa ang mga mag-aaral sa paggamit ng artipisyal na intelehensiya bilang makabagong kagamitan sa pagkatuto, alinsunod sa mga pagsasanay na ibinigay ng DepEd sa mga mag-aaral at guro sa panahon ng pandemya; epektibo ang paggamit ng artipisyal na intelehensiya bilang makabagong kagamitan sa pagkatuto ng mga mag-aaral dahil sa pagsasama ng sistematikong pamamaraan sa pagtuturo ng mga guro na naging dahilan upang mahikayat ang mga mag-aaral upang maging aktibo sa mga aralin; at, ang iba’t ibang uri ng mga pagsusulit at pagtatasa na mahalaga para sa mga mag-aaral ay naging seryosong hamon para sa mga mag-aaral sa paggamit ng artipisyal na intelehensiya ng mga guro. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod ang naging konklusyon: Handa ang mga mag-aaral sa paggamit ng artipisyal na intelehensiya bilang makabagong kagamitan sa pagkatuto sa Filipino dahil na rin sa sistematikong pagbibigay ng mga guro ng mga kinakailangang impormasyon sa mga mag-aaral at nag-aambag sa hanay ng mga kasanayan ng mga mag-aaral; epektibo ang paggamit ng mga mag-aaral ng artipisyal na intelehensiya bilang makabagong kagamitan sa pagkatuto sa Filipino dahil nalalakipan ng sistematikong pamamaraan ang kanilang mga aralin sa paggamit ng mga imahe at video; malubha ang mga hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral sa paggamit ng artipisyal na intelehensiya dahil na rin sa kondisyong tulad ng paggawa ng iba’t ibang pagsusulit na susubok sa lawak ng natutuhan ng mga mag-aaral, pagbuo ng pagsusulit, at koneksyon sa internet ng mga guro at mga mag-aaral; sa lahat ng ito, nangangailangan ng personal na mangangalaga upang mapanatiling pribado ang mga gumagamit nito.
Institution: Baguio Central University
Language: Tagalog
Subfield: Education
Field: Social Sciences
Domain: Social Sciences
SDG: Quality education
Open Access status: hybrid
OpenAlex ID: W4406292837
