Work

Kakayahang Komunikatibo Sa Pagsulat Ng Sanaysay Ng Mga Mag-aaral Sa Grade 10

Year: 2025
Type: article
Study design: Observational Study
Abstract: Layunin ng pag-aaral na ito ang masuri at matukoy ang antas ng kasanayan sa kakayahang komunikatibo sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral sa Grade 10 na binubuo ng siyamnaput-walong (98) mag-aaral bilang tagatugon sa Mataas na Paaralan ng Twin Peaks, Distrito ng Tuba, Dibisyon ng Benguet. Ang ginamit sa pagsusuri at pagbibigay ng mga datos at impormasyon ay deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik. Ginamit ng mananaliksik ang talatanungan bilang pangunahing instrumento sa pangangalap ng datos. Isinagawa ang pagpapatibay sa talatanungan sa pamamagitan ng pagsusuri at pagsasaayos ng mga aytem. Matapos na maisaayos ang talatanungan, ito ay ipinasagot sa mga mag-aaral upang matiyak ang relayabiliti, na kung saan, ito ay maaasahan. Ang mga sumusunod ay ang kinalabasan ng pag-aaral: Batay sa kinalabasan ng pananaliksik napakahusay na ang mga mag-aaral sa Indensyon at pagbabantas , ngunit kinakailangan pang pagbutihin ang kanilang kasanayan sa paggamit ng wastong gramatika at pagbabaybay upang makamit ang lubos na napakahusay sa pagsulat ng sanaysay bilang paghahanda sa Senior High School; Napakaepektibo ang mga kagamitan na ginamit ng guro sa pagtalakay at sa kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ; Ang pagbibigay gabay at wastong panuto ng guro ay mahalaga sa mga salik na nakakaapekto sa kakayahang komunikatibo sa pagsulat ng sanaysay. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral , ang mga sumusunod ang konklusyon: Ang mga mag-aaral sa Grade 10 ay may napakahusay na kasanayan sa kakayahang komunikatibong pagsulat ng sanaysay at upang mapanatili ang napakahusay na kasanayan kailangang pagtuonan ng pansin ang paggabay sa malawak na pag-unawa sa gramatika at pagbabaybay upang makamit ang Lubos na napakahusay sa pagsulat ng sanaysay bilang pahahanda sa Senior High School; Napakaepektibo ang mga proseso sa pagpapabuti ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa pagsusulat ng sanaysay. Ang pagbibigay ng puna mula sa mga guro, pagsusuri, ng mga ibinigay na gawaing pagsusulat at pagbubuo ng talata ay napakaepektibo na tulong na naibigay ng guro upang makamit ang lubos na napakahusay sa pagsusulat ng sanaysay; Dahil sa suporta ng guro nakamit ng mga mag-aaral ang napakahusay na pagganap sa pagsulat ng sanaysay.
Language: Tagalog
Subfield: Education
Open Access status: bronze
OpenAlex ID: W4406292841
FWCI: 2.446
Cites: 1
Cited by: 3
Related to: 10