Tuklas-Kuwento ng Purog Cave at Liyang Cave: Potensyal na atraksiyon sa Casiguran, Sorsogon
Year: 2025
Type: article
Abstract: Natiyak sa pag-aaral na ito ang dokumentasyon ng Purog Cave at Liyang Cave, mga potensyal na atraksiyon sa Bayan ng Casiguran, Sorsogon.Ginamit ng mananaliksik ang deskriptib-kwalitatibong disenyo ng pag-aaral upang makalap ang mga datos hinggil sa mga kuweba.Purposive-homogenous sampling ang ginamit sa pagpili ng 30 impormante mula sa dalawang barangay.Nagsagawa ng panayam sa 14 na indibidwal at 3 focus group discussions gamit ang interbyu-guide.Kabilang sa mga kinapanayam ay mga tagapangalaga ng lupa, barangay opisyal, at matatandang residente na may kaalaman sa mga kuweba.Isinailalim sa tematikong pagsusuri ang mga datos upang dokumento ang Purog at Liyang Cave at matukoy ang kanilang ambag sa turismo mula sa pananaw ng komunidad.Natuklasan na ang Purog at Liyang Cave ay parehong pribadong pag-aari at may natatanging likas na katangian.Nakuha rin ang 12 kuwentong-bayan mula sa komunidad na may temang kababalaghan, kasaysayan, at karanasan.Lumabas sa pag-aaral na may potensyal ang mga kuweba sa pagpapalago ng turismo sa larangan ng pag-unlad, pagkilala, at pagpreserba.Bilang hakbang para
Authors: Mia A Buenaobra, John Emil D Estera
Institution: Sorsogon State University
Language: Tagalog
Subfield: Geology
Field: Earth and Planetary Sciences
Domain: Physical Sciences
Open Access status: diamond
OpenAlex ID: W4409846705
