Year: 2025
Type: article
Study design: Clinical Trial
Abstract: Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin kung paano nakatutulong ang paggamit ng journal sa pagpapabuti ng kasanayan sa pagsulat ng mga Filipino major sa Misamis University. Isinagawa ito sa pamamagitan ng pre-test at post-test sa sampung piling mag-aaral gamit ang rubrik na sumusukat sa nilalaman, koneksyon, organisasyon, wika, at pagkamalikhain ng kanilang mga journal entries. Lumabas sa resulta na bago gamitin ang journal, ang mga mag-aaral ay nasa antas na Di-Gaanong Mahusay, ngunit matapos ang interbensyon ay umangat sa Napakahusay, na may makabuluhang pagbabago (p = 0.000). Ipinapakita nito na ang journal writing ay epektibong paraan upang mapaunlad hindi lamang ang kasanayan sa pagsulat, kundi pati ang kumpiyansa, pagkamalikhain, at kakayahang mag-isip nang mas kritikal. Dahil dito, iminumungkahi na maisama ang journal writing bilang bahagi ng pagtuturo sa asignaturang Filipino.
Language: Tagalog
Subfield: Education
Field: Social Sciences
Domain: Social Sciences
SDG: Quality education
Open Access status: hybrid
OpenAlex ID: W4415480628
