Year: 2026
Type: article
Abstract: Tinutukoy ng papel na ito ang mahalagang papel ng kabataan sa patuloy na pag-unlad, pagbabago, at pagpapalawak ng gamit ng Wikang Filipino sa makabagong panahon. Sinusuri nito kung paano ginagamit ng kabataan ang Filipino sa pakikipagkomunikasyon, social media, digital content, at pakikilahok sa mga usaping panlipunan. Ipinakikita na ang paggamit ng slang, code-switching, hashtags, memes, at iba pang digital expressions ay hindi lamang tanda ng pagbabago sa wika kundi nagpapakita rin ng pagbuo ng identidad, linguistic creativity, at pakikilahok sa komunidad. Gayunpaman, binibigyang-diin din ang mga hamong dulot ng linguistic hierarchy at patuloy na mataas na pagpapahalaga sa English sa isang multilingual na lipunan. Sa halip na ituring ang mga pagbabagong dulot ng kabataan bilang banta sa Filipino, iminumungkahi ng papel na kilalanin ang mga ito bilang bahagi ng natural na pag-angkop ng isang buhay na wika sa teknolohiya at nagbabagong kultura. Sa ganitong pananaw, maaaring maging mahalagang katuwang ang kabataan sa pagpapalawak ng gamit, halaga, at presensya ng Filipino sa digital at panlipunang larangan.
Source: TALAS
DOI: 10.64591/btwaaq14
Author: Lizbeth Ringor
Institution: Zamboanga Peninsula Polytechnic State University
Language: Tagalog
Subfield: Linguistics and Language
Field: Social Sciences
Domain: Social Sciences
Open Access status: hybrid
OpenAlex ID: W7208716985
