Work

Hamon sa Wika at Pagsusuri sa mga Estratehiya sa Makabagong Panahon sa Industriya ng Marketing

Year: 2026
Type: article
Study design: Observational Study
Abstract: Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang mga hamon sa wika at ang mga estratehiyang ginagamit ng mga negosyante at estudyante sa industriya ng marketing sa makabagong panahon. Nakatuon ito sa pag-unawa kung paano nagiging kasangkapan ang wika—lalo na ang wikang Filipino—sa pagbebenta, promosyon, at pakikipag-ugnayan sa target na merkado. Gumamit ang mga mananaliksik ng descriptive quantitative design sa pamamagitan ng survey questionnaire upang masukat ang pananaw, karanasan, at gawi ng mga kalahok. Ang mga respondente ay binubuo ng mga negosyante at estudyante na aktibong nakikilahok sa larangan ng marketing. Sinuri ang iba’t ibang baryabol gaya ng bisa ng mensahe sa target na audience, pagbuo ng brand identity gamit ang wika, paggamit ng Filipino kumpara sa banyagang wika, epekto ng digital platforms sa estratehiyang pangwika, antas ng pagiging malikhain, at antas ng pagiging inklusibo at adaptibo ng wika sa iba’t ibang audience. Ipinapakita ng resulta na ang paggamit ng wikang Filipino ay nakapagpapalakas ng brand identity at nakapagpapalalim ng koneksyon sa lokal na merkado, samantalang ang paggamit ng banyagang wika ay mas nakakaakit sa internasyonal na audience. Gayunpaman, lumitaw ang hamon sa balanseng paggamit ng dalawang wika, pati na rin sa pag-angkop ng mensahe sa digital platforms. Natukoy din na ang pagiging malikhain at inklusibo sa paggamit ng wika ay mahalagang salik sa epektibong estratehiya sa marketing.
Language: fil
Subfield: Marketing
Open Access status: green
OpenAlex ID: W7125520565
FWCI:
Cites:
Cited by:
Related to: 10